BUHAY ESTUDYANTE

download

Sa silid na ito nagaganap ang mga magagandang bagay. Puno ng kaalaman,kalokohan at lalo na ng mga kaibigan. So sisimulan na natin ang buhay ng isang estudyante. “Pls like this blog for my grades” ganyan ang buhay estudyante, gagawin ang lahat para sa grades HAHAHA!!!. Pero matanong ko lang, masaya nga ba maging estudyante??? Hmm? Para sa akin na isang estudyante, masasabi ko na OO masaya pero NAKAKAPAGOD. Masaya siya kasi maraming kang bagong kaalaman na matututunan. Masaya siya kasi may mga bago tayong kaibigan na makakasama natin sa kalokohan. Masaya siya kasi nandyan si crush na lagi mong masisilayan. Diba ang saya? Pero mas masaya yan kung nag aaral ka nga talaga ng mabuti HAHAHA!!!. Pero hindi naman pwede na lagi nalang tayo masaya. Minsan sa buhay ang hirap maging masaya kung alam mo sa sarili mo na nakakapagod na(sad). Tambak na paperworks, Sabay sabay na pasahan ng mga assignments, tapos kailangan mo pa magreview kasi may quiz kayo, tapos pag nagquiz na wala naman sa quiz yung nireview mo, tapos minsan mas mataas pa yung kaklase mong nangopya lang sayo HAHAHA. STRUGGLE IS REAL!!!! ilan yan sa mga badtrip na nararanasan ng mga estudyante. Pero wala eh ganun talaga kaya nga tayo nag aaral eh, pero hindi para pahirapan ah, kundi para tayo ay ihanda o hubugin to become a better person. And thats the purpose of education. Kaya para sa mga napapagod na kagaya ko, magpahinga lang pero wag susuko. Hindi lahat ng tao nararanasan maging isang estudyante kaya be thankful kasi maswerte ka na nararanasan mo maging isang estudyante. Kaya para sa mga estudyante na patuloy na lumalaban para sa kani kanilang pangarap, mabuhay tayong lahat!!!! Continue fighting for our dream!. Darating din ang araw na tayo ay makakapagpahinga na hindi dahil patay na tayo ah iba yun HAHAHA kundi dahil lahat ng pangarap at paghihirap natin sa buhay ay natupad na. Thanks for reading this blog i hope you like it.

“Every people work hard and keep fighting  for their future. I SALUTE YOU ALL!!!”

 

-Charles Niel Mabutol

 

Advertisements